29th May 2012
Tuesday // 8pm // 4 days ago

(Source: modified-me)
This is my first to blog something personal here in tumblr. Reblog lang kasi ako ng reblog.. inshort, tamad. Madalas kasi ako tumambay sa wordpress pero sobrang nakakapiga sa highfalutin words kaya dito na muna ako, chillax. :)
Anyway, this day’s one big “grabe”. Monday na Monday grabe. Grabe kasi standing nanaman ang drama ko sa bus for almost an hour. Sobrang gentleman kasi talaga ng mga lalaki ngayong panahon na ‘to. Nahiya naman akong patayuin sila para makaupo kaming mga babae at matatanda. Pagdating ng MRT North Station, grabe sa haba ng pila, tyagaan lang talaga, may choice naman actually, padiretsuhin ang bus pero wag umasang hindi male-late, rush hour nga eh. Pagbaba ko ng Ayala, bonus ride na lang pala yung card ko at kailangan ko ng bumili ulit ng stored value card. Isa pang grabe kasi yung sinasakyan kong jeep, binangga ng innova na may plate ng PMA (bakit kasi palagi akong nakakakita ng PMA at NAVY, sus). Pagdating ko sa office, ako pa lang tao sa counter, late mga officemates, grabe. Grabe kasi ang hirap ng reissuance ko sa QR at ang dami kong voided tickets. Grabe sa kulit ng first dp ko, ang daming tanong na irrelevant naman sa transaction. Grabe kasi akala ko umuwi na talaga sya tapos biglang bumalik. Grabe kasi cancelled ang lakad namin sa Cagayan de Oro at Puerto Prinsesa kasama ang mga pinsan ko. Ang tagal naming nag-abang ng promo. Sulit na sana yung roundtrip airfare @885php eh, badtrip! >.< Akala ko makakauwi ako ng maaga pero biglang may meeting pala. Grabe gutom na ‘ko like hell at hilong-hilo na ko sa bus. Pagdating ko sa bahay, ayaw ilipat ni tatay sa Dongyi yung pinapanood nya, grabe sya. At ayun nga hindi ako nakapanood. Grabe yung pagod ko start pa lang ng linggo. Grabe sa nakakainis na mga pangyayari. Grabe din kasi ang daming nagkakalabuan. At grabe kasi wala akong magawa para mapasaya kahit papano ang mga kaibigan ko. Ganunpaman, nagpapasalamat pa din ako kay Lord para sa isang grabeng araw na ‘to.